Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas ay may apat na himagsik na tinawag ni Lope K. Santos. Isa sa apat na himagsik ni Balagtas ay ang Himagsik Laban sa Malupit na Pamahalaan. Ito'y tungkol sa hindi pantay na trato ng Kastila sa mga Pilipino noong panahon nang pagsakop ng mga Kastila sa bansa.

Sa awit na Florante at Laura, ipinapahiwatig ni Balagtas ang maling pamamalakad ng pamahalaan sa bansa. Ang Albanya, maihahalintulad ito sa Pilipinas. Korap na mga pulitiko na walang ginawa kundi mag siraan sa kapwa nilang kawani ng gobyerno. Isa pa ay ang sunod-sunod na pagpatay sa mga taong MAY KINALAMAN sa droga o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Maraming napapabalita na napapatay ng mga pulis na inosente. At ang mataas na bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa at gumagawang krimen dahil sa problema sa pera. Hindi kasi sapat ang kinikita ng mga Pilipino para sa gastusin araw-araw dahil sa mababang ekonomiya ng bansa.


Marahil maraming problema na hiniharap ang bansa ngunit hindi solusyon ang pagmamalupit sa mga Pilipino na ang hangarin ay magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Hindi naman sa kinakampihan ang mga lumalabag sa batas ngunit sana ay magawang respetuhin pa rin ang Batas Pangtao.

Comments